angel ([info]ainjl) wrote,
  • Mood: geeky
  • Music: francism - kaleidoscope world

iba talaga ang pinoy!

- boboto ng presidente, ipagsisigawan na "NATUTO NA KAME!" ipapahayag sa radyo, telebisyon, gagawan pa nga ng libro para ipakita na hindi na tayo boboto ng artista. makalipas ng isang taon, isang tape, hinahanap na natin ang artista. o kahit sino na pwedeng ipalit sa 'labandera'.

sila din ung mga taong bumoto sa kanya. na nagsabi na sya ang magliligtas sa bayan.

- dito lang sa pilipinas bawal magpakatotoo. bawal sabihin ang totoo kase makaksakit tayo ng kapwa. ayaw sabihin kung me kulangot o tinga, ayaw sabihin kung mali na pala ginagawa mo, para nga naman eh mayroon silang mapagtawanan pagkatapos.

- bawal din sa pilipinas ang matalino. kaya sa ibang bansa sila nagpupunta at pinupuri. bakit kamo? kase pag matalino ka, titirahin ka ng lahat. kaiingitan. alagad ka nung lalaking me buntot.

- pag masipag ka, mas mahirap ang buhay mo. kung babe na yumaman, sasabihin nila, pokpok yan. kung lalake na yumaman, sabihin hustler yan o magnanakaw o nanlalamang sa kapwa. eh ang ginawa mo lang naman eh magtipid. bow.

- ang pinoy ay makitid ang utak, inggitero at mandurugas. akala mo eh "country of smiles" tayo? hindi din. nakangiti kami sa inyo (mga dayuhan) kase iisahan namin kayo. homecourt ko to eh. si jawo, hindi nambabalya pag asa sea games. dito lang sa pinas sa pba nya pwede gawin yun sa mga imports.

- madami pang pwedeng sabihin sa ating mga pinoy. pero ang isang nag-stand out ika nga, eh ung pagiging mangugulang natin.

mautak din tayo eh noh?

yan ang pinoy.

  • Post a new comment

    Error

    Your reply will be screened

    Your IP address will be recorded 

  • 0 comments
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…